Friday, February 26, 2010

Same old Faith

Matagal-tagal ko na ring hindi nababalikan ang mga pagkakataon na wala akong ibang pinanghawakan kundi ang pananampalataya. Araw-araw akong nabubuhay sa pananampalataya pero 'di ko ito masyadong napagtutuunan ng pansin. Ni hindi nga ako nakakapagpasalamat sa biyayang ito. Ang pananampalataya ay biyaya. Ipinagdadasal na ito ay pagkaloob sa iyo.

Nitong nakaraang mga buwan, nagkasakit ako, parang pinapahinto sa maraming gawain para muling balikan ang mga araw na ang daming 'di magandang nangyayri sa akin pero 'di naman ako desperado dahil nga sa pananampalataya. Faith.

Binalikan ko ang aking Awit diaries. Ito ay isang tala ng marami nang pagkakataon ng pagsubok na nagdaan at nalampasan. Sa mga pagsubok na hinaharap ko ngayon at ng aking pamilya, ang dating pananampalataya ang pinanghahawakan. Sabi ko nga dati sa aking kaibigan, "I am holding on to the same old faith that has kept Vim and myself going all those years . . . same old faith". Kapag may pagsubok kaming hinaharap, sinasabi ni Vim "kung nakayanan natin ang mamatayan at maglibing sa ating anak, ano pa ang hindi natin kakayanin?"

Thank God for the gift of faith.

No comments:

Post a Comment